Pangatnig at Transitional Devices
Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa
pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Pangatnig ang tawag sa mga
salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay, at transitional
devices naman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari, (naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba pa sa
paglalahad.
Uri ng Pangatnig
1. Pantuwang – pinag-uugnay ang magkakasinghalaga o
magkapantay ang kaisipan
Hal.
Ang pagluha ng ama saka ang paghingi ng patawad
ay palatandaan ng pagsisisi nito.
2. Pamukod – may ibig itangi sa dalawa o ilang bagay
at kaisipan
Hal.
Ikaw o ang iyong mga anak ang magdurusa kung
may bisyo ang ama sa tahanan.
3. Paninsay – kung sa tambalang pangungusap ang
ikalawa ay sinasalungat ang una
Hal.
Umiyak nang umiyak ang ama ngunit hindi na ito
makikita ni Mui Mui subalit naniniwala silang pinagsisihan niya ang
lahat.
(Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit at
datapwat ay ginagamit sa unahan ng pangungusap.)
4. Panubali – nagsasaad ito ng pag-aalinglangan
Hal.
Walang kasalanang di mapapatawad ang Diyos kung ang
nagkasala ay nagsisisi.
5. Pananhi – nagsasaad ng kadahilanan at
pangangatwiran
Hal.
Mga takot ang mga anak palibhasa’y takot din
ang ina.
6. Panlinaw – nagbibigay kalinawan sa isang kaisipan,
bagay o pangyayari
Hal.
Hindi na niya gagastusin ang pera sa alak kaya
naniniwala silang tanda na ito ang kaniyang pagbabago.
7. Panapos – nagbabadya ng pagwawakas
Hal.
Sa wakas
kinakikitaan din ng pagbabago ang ama.
Mga Tungkuling
Ginagampanan ng Pangatnig at Transitional Devices:
1. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari o gawain
- sumunod, pagkatapos, una, saka
at pati.
Hal. Unang
dumating ang mga binata, sumunod ang mga dalaga, pagkatapos ang
mga bata.
2. Pagbabagong-lahad - sa ibang salita,
sa madaling sabi, sa biglang sabi,
sa katagang sabi, sa tahasang sabi, sa kabilang dako
Hal. Si Gng.
Masambong ay isang babaing mapagkawanggawa sa mahihirap at laging
Handang tumulong sa
nangangailangan. Sa madaling salita, bukas-palad siya sa mga mahihirap.
3. Pagtitiyak - tulad ni, tulad ng, katulad, gaya,
sumusunod, kahalintulad
Hal. Maraming
magagandang lugar na maaring puntahan ng mga turista, tulad ng Boracay,
Baguio, Tagaytay at iba pa.
4. Paglalahat - bilang pagtatapos,
bilang pagwawakas, sa wakas, sa di kawasa, anupat
Hal. Bilang
pagtatapos, hinahamon ko kayong kabataan na tumulong sa paglilinis at
pagpapaganda ng pamayanan.
5. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita o sumusulat - sa
aking palagay/
opinyon, bagaman, subalit
Hal. Sa aking
palagay, makakapasa ako sa pagsusulit sapagkat nag-aral akong mabuti
kagabi.
6. Pagsalungat - ngunit, datapwat, subalit, samantala
at iba pa.
Hal. Umuunlad nga
ang agham at teknolohiya ngunit nawawala naman ang magagandang kulturang
minana natin sa ating mga ninuno.
7. Pananhi - kaya, dahil sa, sapagkat
Hal. Dahil sa
sobrang traffic hindi ako nakadalo sa miting namin.
-
Ang mga Pangatnig at Transitional Devices
ay mahalaga. Sa pamamagitan ng mga ito, mas madali tayong nagkakaintindihan at
napapadali ang ating pagkikipag-komunikasyon. Hindi man natin napapansin na
nagagagamit natin ito sa ating araw-araw na pamumuhay, ang mahalaga ay malaki
ang ginagampanang tungkulin nito sa ating buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento